Dinagsa ang mga pamosong baybayin at dagat sa lalawigan ng Pangasinan alinsunod sa pagdiriwang ng Pista’y Dayat 2024 sa probinsiya kahapon, May 1.
Ilan lamang sa higit na dinadagsa ay ang dagat sa mga bayan ng Dagupan, Lingayen, Binmaley, Bolinao, Bani, Dasol, Alaminos, Anda, Burgos, Agno, Infanta, Labrador, Dan Fabian at Sual.
Kaugnay nito, bahagi ng nasabing pagdiriwang ang Lingayen Gulf Coastal Clean-Up kung saan inaanyayahan ang mga Pangasinenses na makilahok sa paglulunsad ng adhikaing mapanatiling malinis ang kapaligiran at maalagaan ang kalikasan.
Samantala, kasabay pa ng Pista’y Dayat sa Pangasinan ay ang pagkilala naman sa mga manggagawa nito lamang ika-1 ng Mayo taon-taon, ang Labor Day. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments