𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦, 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Mapapakinabangan ng mga tindera sa paligid ng simbahan ng Manaoag ang mga dagdag pang vendor stalls bilang paglalagay ng mas organisadong pagtitinda sa bayan.
Bahagi ang paglalagay ng mga karagdagang vendor stalls sa paligid ng minor basilica sa mas maayos at mas magandang itsura ng mga nagtitinda.
Ipinamahagi ang mga naturang vendor stalls ng mismong lokal na pamahalaan nito kung kasama nila ang alkalde maging ang Utility Department ng lokalidad.

Ito ay ang pangalawang beses nang pamamahagi ng mga vendor stalls na mayroong pantay na sukat at maging pare-parehas na kulay bilang pagkakakilanlan sa mga vendors sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments