Nagtapos na sa isang pagsasanay ang mga dating Overseas Filipino Workers (OFW) matapos sumailalim sa isang community-based culinary training o Balik Bayani sa Turismo training sa Pangasinan.
Hatid ang programang ito ng Department of Tourism (DOT) Ilocos Region, Department of Migrant Workers (DMW) and ng Provincial Government ng Pangasinan para sa mga nagbalik bansa na mga OFW.
Ayon kay DOT Assistant Secretary Maria Rica Bueno, pagbibigay oportunidad umano ito sa mga OFW na makapagtrabaho sa sektor ng turismo.
Bukod sa pagsasanay ay nakatanggap din ang bawat lumahok ng sampung libong pisong capital.
Ang programang ito ay may layon na makapagbigay ng pangkabuhayan ang mga dating OFW maging ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga ito sa mga tourism-related activities na negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨