Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) Urdaneta District Office sa mga nasasakupan nitong emission testing centers at pribadong motor vehicle inspection centers sa pamemeke ng dokumento dahil sa hindi pagdaan ng mga sasakyan sa inspeksyon.
Ayon sa tanggapan, “no show” o hindi umano nagpapakita para sa vehicle inspection ang mga motorsiklo na nagnanais makapagrenew.
Ang inspeksyon ay striktong isinasagawa bilang mandatoryong requirement sa motor vehicle renewal upang makita kung roadworthy ang makina at ilan pang parte ng sasakyan.
Kinakailangang sumunod sa striktong polisiya at guidelines mula sa LTO upang hindi mabigyan ng violation, penalty at posibleng pagkaantala ng operasyon ng isang center.
Palala ng LTO sa mga motorista, dumaan sa tamang proseso ng inspeksyon ng mga sasakyan upang masiguro ang kanilang kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨