π— π—šπ—” π—˜π— π—£π—Ÿπ—˜π—¬π—”π——π—’ π—‘π—š π—Ÿπ—šπ—¨ π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, π—¦π—¨π— π—”π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  𝗦𝗔 𝗦𝗨π—₯𝗣π—₯π—œπ—¦π—˜ 𝗠𝗔𝗑𝗗𝗔𝗧𝗒π—₯𝗬 𝗗π—₯π—¨π—š π—§π—˜π—¦π—§

Nasorpresa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan nitong lunes, nang isagawa ang surprise mandatory drug test, sa munisipyo ng bayan.

Aabot sa mahigit 500 empleyado mula sa iba’t ibang departamento, mapa-job order o contract of service.

Ayon sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan, layunin ng nasabing drug test na masigurong ligtas at walang puwang ang droga sa bisinidad ng kanilang pinagtatrabahuan.

Samantala, katuwang naman ng lokal na pamahalaan ang Dangerous Drug Abuse Treatment and Prevention Program ng DOH-Ilocos Region, pagsasagawa ng drug test.

Dagdag din ang puwersa ng hanay ng kapulisan upang masigurong walang nakatakas o umiwas sa isinagawang drug test.

Samantala, ang sinumang magpopositibo umano sa nasabing drug test, ay i-eendorso sa Human Resource and Management Office gayundin sa PNP. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments