𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗥𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚

Sumailalim sa standard monitoring ng Department of Trade and Industry ang siyam na establisyemento na nagbebenta ng Christmas Lights sa Ilocos Norte.

Inisa-isa ng ahensya ang bentahan ng nasabing produkto sa bayan ng San Nicolas at Laoag City.

Pagtitiyak ito ng tanggapan sa mga konsyumer na ang kanilang mga binibiling christmas lights at iba pang produkto ay de kalidad at pasok sa standards ng Bureau of Philippine Standards na dapat mapunan ng mga nagbebenta sa mga establisyimento.

Payo ng tanggapan sa publiko ang tama at wais na pamimili ng mga gagamiting dekorasyon at pampa-ilaw sa mga tahanan.

Dapat rin tiyakin na mayroong Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker ang bibilhin upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments