𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗖𝗢 𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Laking gulat ng isang residente sa bayan ng San Nicolas matapos itong makatagpo ng isang eco bag na naglalaman pala ng mga granada sa bahagi ng Camp 1 Villa Verde Brgy. Sta. Maria East San Nicolas, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng isang residente ang kahina-hinalang eco bag nang buksan niya ito tumambad sa kaniya ang tatlong rifle grenade at dalawang hand grenade.

Nakipag-unayan na ang San Nicolas MPS sa 6th District Explosive and canine unit o DECU para sa kaukulang dokumentasyon ng mga natagpuang granada.

Inaalam na rin kung sino ang nag-iwan ng mga Granada sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments