Nagbabala ang Binalonan Police Station sa mga residenteng gumagamit ng boga at ipinagbabawal na paputok.
Ayon Kay Binalonan Police Station PMAJ Zynon Paiking, mahigpit ang isinasagawang kampaniya ng tanggapan upang mahuli ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na paputok.
Aniya, marami na ang nasampolan matapos makitaan ang mga ito sa paggamit ng boga at maging ng mga ipinagbabawal na ibang uri ng paputok.
Nagsimula na rin Silang magbara-barangay upang iparating ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit nito.
Imbes aniya boga, maari namang gumamit na lang ng torotot bilang pampaingay.
Sa Republic Act 7183 at Executive Order No. 28, ang paggamit ng boga at iba pang mapanganib na pyrotechnic devices ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga residential areas at mga matataong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments