Hinihikayat ng Department of Education Region 1 ang lahat ng mga guro sa rehiyon na kung maaari ay bawasan pa ang ilang kagamitan o equipment sa loob ng classroom set up bilang aksyon sa init ng panahon.
Ayon sa panayam kay DEPED R1 Regional Director Tolentino Aquino, mas mainam kung tatanggalin muna umano ang mga kurtina na nakasabit sa mga bintana para hindi maging sagabal sa pagpasok ng preskong hangin sa loob ng mga classroom.
Bukod pa riyan ay nag-issue na rin umano ang regional office at ang mga divisional office ukol naman sa pagrerelax sa pagsusuot ng mga uniporme ng mga personnel sa sektor ng edukasyon.
Ibig sabihin, pinapayagan na muna ang mga guro at ilang staff sa isang paaralan na magsuot ng komportableng damit kung sakali mang magtuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng face to face classes.
Sa ngayon, kabi-kabilaang suspension of classes pa rin ang idineklara ng ilang mga LGUs dahil sa init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨