π— π—šπ—” π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠𝗦 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, 𝗠𝗔𝗦 π—£π—œπ—‘π—”π—š-π—œπ—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š

Mas pinag-iigting pa sa lungsod ng Dagupan ang mga programang nagtataguyod sa pangkalahatang kalusugan ng mga residente.

Patuloy na umaarangkada ang programang home visits kung saan direktang tinutungo ng mga health officers ang mga residente sa mga bara-barangay upang mahatiran ng tulong medikal tulad ng health consultation at pamamahagi ng mga bitamina at gamot.

Inaasahan din ang pagkakaroon at pagbubukas ng mga super health centers sa ilang mga barangay sa lungsod.

Sa kasalukuyan, isa pa sa tinalakay at pinoproseso ngayon ay ang pagpapatayo ng DOH Maternity and Children’s Hospital na aantabay sa kapakanan ng bawat nanay at mga batang DagupeΓ±o.

Samantala, target pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagpapalawig pa sa mga health services para sa serbisyong pangkalusugan hatid lalo na sa mga indigent DagupeΓ±o. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments