Dumarami pa ang hindi pabor sa pagsasagawa ng Boss Ironman Motorcycle Challenge o BIMC. Sa panayam ng IFM Dagupan kay Act Partylist France Castro, dapat itong itigil kung hindi umano gagamit ng appropriate lane o tamang lugar ang pamunuan para sa kanilang mga riders.
Aniya, hindi dapat gamitin ang national roads dahil malaki ang panganib nito sa ibang motorista at pedestrian.
Sa naging pagdinig wala umanong ahensya ng gobyerno ang mapanagot at wala ring maayos na koordinasyon sa mga probinsiya na dinaanan ng mga riders nito.
Ayon naman sa pamunuan ng BIMC pansamantala muna nila itong ititigil hanggat hindi nakakagawa ng mga paraan upang mas maging ligtas ito para sa lahat.
Humingi rin umano ng kapatawaran ang pamunuan ng BIMC sa mga nasangkot sa aksidente ngunit ayon kay Castro hindi na maibabalik ang buhay ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨