𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝟮𝟬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢

Matagumpay na ginanap ang isang job fair sa bayan ng Lingayen bilang pakikiisa sa anibersaryo ng DOLE.
Sa datos, nasa dalawampu ang pasado o hired on the spot sa naturang job fair kung saan nilakuhan ito ng kabuuang 120 aplikante mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Ang job fair na ito ng ahensya ay suportado ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan kung saan kabuuang labin-dalawang local companies/ agencies at dalawang overseas companies/agencies ang naging katuwang upang maisagawa ang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho.

Laking pasasalamat ng mga natanggap sa trabaho dahil pasado sila sa aplikasyon sa at sa tulong na ito ng mga kinauukulan upang makapagbigay ng trabaho sa mga indibidwal na naghahanap ng mapagkukunan ng hanapbuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments