π— π—šπ—” π—›π—’π—¦π—£π—œπ—§π—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—šπ—›π—”π—›π—”π—‘π——π—” 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—”π—žπ—”π—₯𝗒𝗒𝗑 π—‘π—š π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” π— π—”π—£π—¨π—£π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—¦π—”π—Ÿπ—¨π—•π—’π—‘π—š 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š 𝗧𝗔𝗒𝗑

Naghahanda na ang iba’t-ibang mga hospital sa lalawigan ng Pangasinan, pribado man o pampubliko, ngayong nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.

Dahilan ng kanilang paghahanda ay kung sakaling may mga maitalang kaso ng mga naputukan ng paputok sa lalawigan ay agad na mabigyan ng kaukulang serbisyo.

Matatandaan sa datos ng DOH-ILOCOS na nagkaroon ng 82% na pagtaas ng kaso ng Fireworks-Related injuries (FWRIs) katumbas ng 60 na kaso ang naging kaso noong December 1, 2022 hanggang January 1, 2023.

Matatandaan din na ang lalawigan ng Pangasinan ang nangunguna sa listahan ng mga fireworks related injuries na may 45 kaso, ang La Union ay may siyam (9), Ilocos Sur na may lima (5) at Ilocos Norte na may isang kaso.

Samantala, patuloy ang paalala ng mga ahensya gaya ng DOH, PNP, at BFP na huwag na lang gumamit ng mga paputok na posibleng makapaminsala.

Dito sa Dagupan City, as of December 27, may naitala ng kaso ng fireworks related injuries sa Brgy. Malued na may apat na katao ang sugatan dahil sa pagsisindi ng sigarilyo ng isang lalaki sa lugar kung saan nakaimbak ang mga nakatagong paputok. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments