𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟭𝟭 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗡𝗧𝗦

Humabol sa huling araw, kahapon ang ilan pang mga personalidad na nais kumandidato para sa Midterm Poll Elections sa darating na May 2025.

Inihain nina Generoso Tulagan Jr., Ricardo Revita, Richard Camba, Noel Bince, Ranjit Shahani, at Manuel Merrera ang kanilang COC na lalaban para sa pagka bokal o Board Member ng Sangguniang Panlalawigan.

Inihabol din ang COC para sa posisyong House of Representatives na sina Mark Cojuangco, Gilbert Estrella, Rachel Arenas, Generoso Tulagan Sr., at Alipio Fernandez.

Samantala, inaasahang ilalabas ng COMELEC ang mga opisyal na kandidato para sa Halalan 2025 matapos itong busisiin at idaan pa sa masusing proseso upang matiyak ang maayos na siste nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments