Naabutan ng tulong pinansyal ang mga kapos palad na mga residente ng Dagupan City sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Saklaw nito ang tulong laan para sa pangmedikal, pangkabuhayan, maging pantustos sa iba pang pangangailangan ng mga indigent Dagupeños.
Personal na ipinamahagi ng opisyal ng lungsod ang ayuda kasama ang kawani ng DSWD.
Kabuuang isang daan at sampung katao (110) ang nakinabang sa programang social services ng lokal na pamahalaan ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments