𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗣𝗜𝗧𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢

Pumalo na sa 1,037 na pamilya o katumbas ng 3,336 na katao ang nanatili sa mga evacuation centers sa Pangasinan matapos ang pananalasa ng bagyong pepito.

Ang ilang lumikas sa Dasol, Infanta at Laoac ay nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ayon sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office.

Apat na bahay ang naitalang nasira sa lalawigan kung saan isa ang totally damage sa San Fabian at Laoac at dalawang ang partially damage sa San Fabian dahil sa malakas na hangin.

Wala namang naitalang nasawi sa probinsiya sa pananalasa ng Bagyo.

Samantala, naging malaking tulong umano ang pre-emptive evacuation upang maibsan ang epekto ng bagyo sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments