Friday, January 16, 2026

𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢

Nagtapos sa sampung araw na soft at core skills training ang limampung kabataan sa Alaminos City bilang inisyal na paghahanda sa mga ito sa paghahanap ng trabaho.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 at Public Employment Services Offices ng lungsod.

Layunin nito na mas mapalakas at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa pagiging propesyonal sa mga trabahong kanilang papasukin.

Idinaos din ang graduation ceremony ng mga ito kasabay ng mini job fair na inorganisa ng DOLE at pagbibigay ng financial assistance sa mga nagsipagtapos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments