Mabibigyan ng pribilehiyong makapag-aral ang ilang kapos palad na mga Pangasinense na nais bumalik sa larangan ng edukasyon hatid ng nalalapit na pagbubukas ng Pangasinan Polytechnic College (PPC).
Bubuksan na sa February 14, 2024 ang PPC na handog ang libreng mga demand technical-vocational courses at skills training para sa magiging estudyante rito.
Ang PPC ay ang kauna-unahang government owned school institution ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa buong Region 1 na may layong magbukas ng oportunidad sa pagdating sa edukasyon na makakatulong sa kanilang employment sa hinaharap para sa mga kwalipikadong Pangasinense.
Ilang mga vocational courses at skills training tulad ng Electrical Installation and Maintenance NC II, Driving NC II, Driving (Passenger Bus/Straight Truck) NC III, at Automotive Servicing NC I at marami pang iba ay libreng ihahatid para sa mga ito.
Samantala, alinsunod ito sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon na mas tutukan din ang education sector ng lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨