𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗬𝗨 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Binalangkas sa naganap na Regional Management Council Meeting ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 1 ang mga isyung kinakaharap ng livestock sector ng rehiyon.

Isa sa pangunahing isyu ang African Swine Fever na nakakaapekto sa ilang barangay sa rehiyon.

Ayon sa ahensya, patuloy na inaagapan ang pagkalat nito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga task force at ilang livestock groups. Nabanggit din sa naturang pagpupulong ang kalagayan ng mga mangingisda sa Pangasinan ukol sa tunggaliang nagaganap sa West Philippine Sea.

Siniguro ni Regional Director Rosario Gaerlan na hindi apektado sa naturang isyu ang mga mangingisda ng Region 1.

Kaugnay nito, tiniyak din sa naturang pagpupulong ang pakikiisa ng iba pang ahensya upang makapagbigay ng kalidad na serbisyo at tulong sa publiko sa panahon ng krisis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments