𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗟𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔

Oldies but goodies pa rin ang mga Lolo at Lola sa Binalonan, Pangasinan matapos makipagsabayan sa isang Zumba Session na isinagawa sa bayan ng Binalonan bilang selebrasyon sa National Filipino Elderly Week ngayong taon.

Tunay ngang kalabaw lang ang tumatanda sapagkat wari’y walang iniinda ang mga senior citizen sa kanilang kasu-kasuhan sa kanilang todong hataw na pagsayaw.

Hindi rin nagpahuli sa outfit check ang mga ito dahil sa kanilang makukulay at sexy na kasuotan sa pagzumba.

Layunin ng pagdiriwang na bigyang ng pagkilala ang mga lolo at lola sa kanilang hindi matatawarang tungkulin para sa bawat pamilyang Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments