𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Umabot sa 773 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). 273 na magsasaka at 500 vendors mula Manaoag ang tumanggap ng tig – P4,350 bilang tulong pinansyal kapalit ng sampung (10) araw na community service.

Pinondohan ito mula sa tanggapan nina Senador Bong Go at Pangasinan 4th district representative Christopher De Venecia. Ipinamahagi ang mga ito sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Bilang pasasalamat, personal na nakibahagi si Mayor Jeremy Agerico B. Rosario sa distribusyon nito at nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng tulong na dumarating para sa mga Manaoagueño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments