Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang 1,701 na mga rehistradong magsasaka mula sa bayan ng Mangaldan nitong ika-18 ng Enero, sa Farmers’ Training Center, Barangay Guilig sa nasabing bayan.
Humigit kumulang 8.5 milyong piso ang tinanggap ng mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.
Ang bawat magsasaka ay nakatanggap ng PHP 5,000, na tiyak na makakatulong diumano sa nagtataasang bilihin ng kanilang mga kinakailangan sa pagsasaka, tulad ng mga fertizilizer at iba pang agricultural supplies.
Hiling naman ng alkalde ng bayan na gamitin ang pondong kanilang natanggap sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan. Aniya, buo ang kanyang suporta sa agrikultura, kaya’t ibibigay niya ang kung ano ang dapat sa mga benepisyaryong tulad nila.
Samantala, ang tulong pinansiyal na laan sa mga magsasaka ng Mangaldan ay parte ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng DA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨