Patuloy ang pamamahagi ng hybrid seeds ng Pamahalaang Bayan ng Manaoag katuwang ang tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa rehistradong magsasaka sa nasabing bayan upang makatulong sa produksyon ng kanilang mga pananim.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture ang pamamahagi sa mga nasabing magsasaka ng hybrid at certified seeds sa Municipal Warehouse Complex sa Barangay Cabanbanan ng nasabing bayan.
Samantala, sa loob ng tatlong araw, nakatakda na ang mga petsa kung kailan ipapamahagi ang mga binhi sa bawat barangay. Kung saan, ilang barangay na sa bayan ang nauna nang nakatanggap.
Ang nasabing pamamahagi ay parte ng Rice Competitive Enhance Fund (RCEF) kasama ang Philippine Rice Research Institute sa ilalim ng DA.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng alkalde ng nasabing bayan, kung saan ito’y nagpahayag ng pasasalamat sa mga ahensyang nanguna sa nasabing programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨