CAUAYAN CITY- Mahigit tatlong daang farmers ng Brgy. San Antonio ang apektado sa pagkasira ng irrigation canal kamakailan sa pagitan ng Brgy. Alinam, Cauayan City at Del Pilar, Alicia, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Roosevelt Perido Jr., maaaring masira ang kanilang pananim na palay kung aabot ng dalawa o tatlong linggo bago maayos ang nasirang irrigation canal.
Aniya, ilang araw pa lamang na wala silang suplay ng patubig ay nakakaranas na ng pagkatuyo at pagkabitak-bitak ng mga lupa ng sakahan.
Sinabi pa ni Kapitan Perido na bukod sa kanilang barangay ay apektado rin ang kanilang karatig-barangay tulad ng Brgy. Sta. Luciana at Brgy. Faustino.
Samantala, sa ngayon ay umaasa na lamang sila na mapapabilis ang pagsasaayos sa irrigation canal upang hindi tuluyang maapektuhan ang kanilang pananim.