Inaasahan na ng mga magsasaka sa bayan ng Bugallon Pangasinan ang maaaring maitulong ng pagpapatayo ng Dumuloc Irrigation sa kanilang lupang pangsaka lalo sa oras na tuluyang matapos ang naturang proyekto.
Matutulungan ng naturang itinatayong Irrigation project ng ahensyang National Irrigation Administration o NIA Pangasinan ang ansa higit isang libong benepisyaryong magsasaka na kanilang na-identify sa siyam na barangay sa bayan.
Nagbigay rin ng mga suhestiyon ang naturang ahensya bilang alternatibong itanim ng mga magsasaka na siyang hindi gaano nangangailangan ng tibg gaya ng tanim na talong, okra, mani, monggo, at mais.
Ayon naman sa pag-aaral ng NIA Pangasinan, mas marami sa bahagi ng eastern Pangasinan ang itinuturing na vulnerable area pagdating sa patubig dahil may mga barangay umano talagang sadyang hindi naaabot.
Samantala, isa naman sa aksyon na isinagawa ng ahensya para rito ay ang pagsasagawa ng proyektong Solar Power-Driven Pump Irrigation tulad sa bahagi ng Aguilar, Mangaldan, Dasol, Malasiqui, Manaoag, San Jacinto, Rosales, Binalonan, at Umingan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨