Hinihikayat ng Department of Agriculture β Ilocos (DA-ILOCOS) ang mga magsasaka sa rehiyon na magtanim ng maaga upang maibsan ang epekto ng el niΓ±o sa buwan ng setyembre.
Ayon kay DA-Regional Field Office 1 planning officer Irene Tactac, 1,200 ektarya na mula sa 113, 698 na target rice production area sa rehiyon ang apektado na ng tagtuyot, partikular na sa lalawigan ng Ilocos Norte maging sa Pangasinan.
Sa nasabing epekto ng dry spell, 2,000 metriko tonelada na ang tinatayang deficit sa produksyon ng palay.
Dahil dito, hinihikayat nilang magtanim na ang mga magsasaka sa kalagitnaan ng Setyembre, imbes na Oktubre, upang hindi na nila maramdaman ang matinding dulot ng el niΓ±o sa kanilang mga sakahan.
Samantala, noong 2023, tumaas diumano ang produksyon ng bigas na may average na 4.84 metriko tonelada kada ektarya mula sa 4.68 metriko tonelada noong 2022. |πππ’π£ππ¬π¨