Ibinahagi ng Department of Agriculture – Ilocos Region sa pamamagitan ng AMIA – Ilocos ang Special Farm Weather Outlook and Advisory upang mapaghandaan ng mga magsasaka ang posibleng maging epekto ng Bagyong Julian.
Bago pa ang bagyo, inaasahang mayroong functional drainage ang mga sakahan sa paglilinis ng mga irrigation canals mula sa posibleng magdulot ng clogging o pagkabara. Inirekomenda rin ang paggamit ng postharvest machines at ang pag-imbak ng langis na magagamit pagkatapos ng bagyo.
Tiyakin na nasa ligtas na lugar ang pag-iimbakan ng naaning mga produkto. Mainam rin ang early harvesting sa pangisdaan at mga high-value crops, maging ang paglikas sa mga livestock. Sakaling maapektuhan ang RSBSA registered farmers ng kanilang mga pananim, livestock at iba pa, maaaring magtungo sa Philippine Crop Insurance Corporation upang makakuha ng tulong.
Para naman sa mga hindi pa miyembro, bukas pa rin ang registration rito, pumunta lamang sa Municipal/City Agriculture Office ng kinabibilangang lugar LGU.
Samantala, layon nitong matulungang maibsan ang posibleng epektong dala sa agrikultura ng mapaminsalang mga kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨