Pinalalakas pa lalo ang mga magsasaka sa Pangasinan sa kaalaman at oportunidad na maaari nilang magamit sa kanilang hanapbuhay at kung paano rin na sila ay makapag-umpisa sa pagnenegosyo o tinatawag na Agri-preneurs.
Sa tulong ng Department og Agrarian Reform o DAR Farm Business School program, nabigyan ng pagkakataon ang ilan sa magsasaka sa lalawigan na sila ay makapag-umpisa bilang mga agri-entrepreneurs.
Mula sa training kung saan sila ay sumailalim, nabahagian sila ng mga kaalaman mula sa land preparation, farming techniques hanggang sa mahalagang usapin gaya na lamang ng food safety.
Dahil dito, matagumpay nakapagpabago ang DAR ng mga ordinaryong magsasaka para maging mga agri-preneurs.
Samantala, ang naturang ahensya ay nagbigay ng katiyakan na patuloy silang magsasagawa ng mga programang makapag papalakas pa sa mga magsasaka sa lalawigan gaya na lamang mga ganitong klase ng programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨