𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗟𝗨𝗕𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗖𝗥𝗢𝗣𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Tila hindi magiging masaya ang pasko ng ilang magsasaka dahil sa pagkalugi na naranasan dahil sa sunod-sunod na kalamidad sa Pangasinan.

Ayon sa ilang magsasaka, halos hindi umano sila nakabawi sa kanilang itinanim dahil ang ilan ay nalubog sa baha, nangitim at hindi na mapakinabangan.

Sa bayan ng Mangaldan, pumalo sa sampung milyon ang naitalang danyos ng mga apektadong palay. Samantalang nasa halos isang bilyon o P982 million sa sektor ng agrikultura sa buong lalawigan.

Dahil dito, lubos ang kanilang panawagan sa pamahalaan ng tulong sa kanila na siya namang siniguro ng Municipal Agricultural Office sa bayan ng Mangaldan.

Umaasa naman ang mga magsasaka na magiging maganda ang kanilang anihan ngayong nakapagtanim na sila para sa second cropping na nakatakdang anihin sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments