π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ—žπ—”π—¬π—”π—§ π—‘π—š 𝗗𝗔 π—₯π—™π—’πŸ­ 𝗑𝗔 π— π—”π—šπ—£π—”π—₯π—˜π—›π—œπ—¦π—§π—₯𝗒 𝗦𝗔 π—₯𝗦𝗕𝗦𝗔

Patuloy na hinihikayat ang mga magsasaka sa rehiyon ng Department of Agriculture RFO1 na magparehistro sa ilalim ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Ayon kay DA RFO1 Regional Executive Director Annie Q. Bares, katuwang nila umano ang mga barangay captains sa bawat barangay at mga Municipal Agriculture Office para sa mga magsasakang hindi pa nakapag parehistro.

One time registration lang ang paraan ng rehistro at hindi na magrerenew pa.

Paalala lamang ng DA na kung maaari ay laging i-update ang listahan ng mga rehistradong magsasaka upang malaman kung nag-eexist pa o napapakinabangan talaga ng mga nagparehistro ang mga serbisyong kanilang inihahatid.

Sa kasalukuyang data na iprinisinta ng DA, nasa higit 490,000 na mga magsasaka sa rehiyon ang rehistrado ng RSBSA. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments