𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗘-𝗖𝗜𝗚𝗔𝗥𝗘𝗧𝗧𝗘, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗 𝟭

Binigyang-linaw ng Department of Health Center for Health Development 1 sa naganap nitong Healthy Usapan Episode ang nga maling paniniwala ng karamihan sa e-cigarette o vape.

Ayon kay Non-Communicable Diseases Unit Head Dr. Justin Gubatan, wala pang sapat na pag-aaral kung mas ligtas ang e-cigarette o vape kaysa sa nakasanayan ng tabako. Katulad ng sa sigarilyo, parehong may negatibong epekto kalusugan ang vape.

Pahayag ni Gubatan, maaaring matamaan ang puso at baga ng isang smoker at maaaring magkaroon ng iba’t-ibang uri ng kanser sapagkat ang sigarilyo at vape ay naglalaman ng kemikal at lason bukod pa sa usok na lumalabas sa paggamit nito. Kabilang din ang EVALI o e-cigarette o vaping use-associated lung injury na isang medical condition kung saan nakitaan ng respiratory illness o lung injury dahil sa paninigarilyo.

Patuloy na hinihikayat ng tanggapan ang mga nagbebenta ng nabanggit na produktong vape ukol sa pagsusulong ng mga flavor ng vape maging ang paggamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments