𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚

Dumadaing pa rin ang mga mamimili sa Dagupan City dahil sa nananatiling taas ng presyo ng produktong itlog sa ilang pamilihan.
Mula sa isang tray na pagbili ng itlog, patingi-tingi o hanggang sa dose piraso na lamang ng itlog ay binibili ng mga mamimili dahil hindi na umano pasok sa kanilang budget ang higit dalawandaang pisong presyo ng isang tray depende sa klase nito.
Ayon sa ilang nagtitinda ng itlog, di rin umano maiiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog lalo ngayong sasapit ang holiday season.

Asahan pa umano na sa mga susunod na araw ay maaaring may paggalaw muli sa presyo ng produktog itlog kasabay na iba pang pangunahing bilihin sa palengke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments