Ilang mangingisda sa lungsod ng Dagupan ang umaaray sa kasalukuyang taas presyo ng produktong petrolyo.
Nasa 1.60 pesos kada litro ang itinaas sa gas,0. 65 sa kada litro ng diesel at 0. 60 sa kada litro naman ng kerosene
Ayon sa mga mangingisda sa lungsod, nakaka kain na ang kanilang arawang kita sa mataas na presyo ng gas.
Dahil dito, Nananawagan ang ilan sa kanila ng tulong at fuel subsidy mula lokal na gobyerno.
Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), may nakahandang 500 milyon para sa fuel subsidy ng mga mangingisda at magsasaka bilang tulong sa mga ito dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments