Sumailalim sa training ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Regional Fisheries Office I ang nasa tatlumpu’t dalawang miyembro ng Marine Protected Area Network sa Pangasinan o kanilang itinalagang Bantay Dagat sa Western Pangasinan.
Tatlong araw ang naging training program para sa mga ito kung saan mula ang mga nakilahok sa mga bayan ng Bani, Bolinao, at Burgos na siyang mga miyembro rin ng Bani-Bolinao-Burgos-Infanta-Dasol-Agno MPA Network.
Ang MPA network o Bantay Dagat ay isang grupo na pumuprotekta at nagpapanatili sa mga bahagi ng coastal at fishery resources ng mga LGUs sa lalawigan kung saan napapakinabangan bilang pangkabuhayan at pang-araw-araw ng mga Pangasinense.
Makatutulong sa mga naturang miyembro ang training na ito para mabigyan ng sapat na kaalaman, kapasidad at pagpapataas pa sa kakayahan pagdating sa marine conservation sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨