𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗦𝗠𝗔𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢

Dismayado ang mga motorista at mga PUV drivers at operators sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa ipinatutupad na price adjustments sa mga produktong petrolyo bunsod ng pabago-bagong presyuhan sa pandaigdigang merkado maging iba pang tukoy na mga salik.

Ayon sa mga ito partikular daw sa pag-implementa ng katiting na rollback bagamat bumabawi naman daw sa malakihang taas presyo nito sa krudo.

Sa kasalukuyan ay nananatili ang rollback na 10 cents sa Gasoline, 35 cents sa Diesel habang ₱1.40 naman sa Kerosene.

Ayon sa mga PUV drivers, kung may bawas presyo raw ay sentimo hanggang piso lamang bagamat kung price hike ay halos umabot na sa dalawang piso tulad ng naranasan sa huling linggo ng December 2023 na halos pumalo sa dos pesos ang umento sa kada litro ng mga produktong langis.

Samantala, base sa four-day average on mops trading, posibleng walang pagbabago sa presyo ang krudo sa susunod na linggo at kung meron man, posible ang 25 cents na bawas sa Gasoline, Diesel na may bawas na 15 cents at Kerosene na bawas ng 5 cents. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments