𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗔𝗡

Pinaalalahanan ng awtoridad partikular ng Pangasinan PDRRMO ang mga motorista sa lalawigan ukol sa kanilang kaligtasan sa kalsada ngayong nakararanas na ng malalakas na pag-ulan.

Dapat na matandaan ng mga motorista ang tamang paggamit ng ilaw kapag bumabyahe at nilulusong ang malakas na ulan.

Huwag rin umano gumamit ng Hazard lights kung hindi kinakailangan sa malakas na ulan at mas mainam kung ang headlight na lamang ang buksan.

Tamang pagsunod rin sa batas trapiko ang kinakailangan upang makaiwas sa anumang disgrasya mainit man man o maulan ang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments