𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗦𝗠𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Inaasahan ng mga Micro, Small and Medium Enterprises o mga MSMEs maging mga food stall vendors sa bayan ng Lingayen ang mas malaking potensyal na kita sa mga susunod pang araw kasunod ng selebrasyon ng Holiday Season.
Dagsa na ng publiko ang pasyalan sa bayan dahil tampok din dito ang Christmas village, Christmas Bazaar at carnival, night market at ang pamosong Lingayen Beach.
Ayon sa ilang mga food stall vendors at owners, maganda raw ang kanilang kitain ngayon at inaaasahan pa ng mga ito ang mas malaking kita sa pagsapit ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Samantala, dagdag pa ng mga ito na mas nakatutulong sa kanila ang fair pricing sa kanilang inilalakong mga produkto at pagkain dahil mas dinadagsa ito ng mga tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments