Inihayag ni DOH Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco sa kanyang nagging pagbisita sa lungsod ng Dagupan na pabata ng pabata ang mga nabibiktima ng mga paputok.
Ayon sa kanya, sa kanilang datos noong nakaraang taon, 10-14 anyos ang karamihang nabiktima na paputok.
Dagdag pa nito, na noong pagpasok ng taong 2023, edad 5 hangang 9 na anyos ang kadalasang nabiktima sa rehiyon.
Sinabi pa nito na nangunguna pa rin ang lalawigan ng Pangasinan na may pinakamaraming naitalang biktima na nasa 74 na kaso.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, inilunsad ang Iwas Paputok Campaign 2023 sa lungsod ng Dagupan na may layuning maipaalala sa publiko ang pag-iwas sa paputok upang iwas disgrasya.
Target ng DOH-Ilocos Region ang Zero-firecracker related incidents sa nalalapit na pagdiriwang yuletide season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨