𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗕𝗔𝗬𝗪𝗔𝗟𝗞, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Dinadagsa pa rin ang pamosong Lingayen Baywalk sa, Lingayen Pangasinan matapos ang pangamba ng ilang residente dito dahil sa nangyaring pamamaslang sa Isang estudyante.

Naabutan ng IFM News Team ang ilang grupo ng estudyante sa lugar kung saan sinabi ng mga ito na walang dapat ikatakot dahil nadagdagan na raw ang ilaw sa lugar at ramdam nila ang presensya ng pulisya sa gabi na nagsasagawa ng pagpapatrolya.

Anila, walang dapat ikatakot dahil ligtas ang naturang pasyalan para sa lahat.

Iginiit naman ng Pamahalaang Panlalawigan na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t-ibang law enforcement agencies upang maiwasan ang insidente ng krimen sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments