𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗦𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗨𝗟𝗜

Inaresto ng kapulisan ang tatlong kalalakihan at isang babae matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy sa Brgy. Sumabnit, Binalonan, Pangasinan.

Inireport umano sa kapulisan ang pagsusugal ng mga ito kung kaya agad na rumesponde ang pulisya. Nakumpiska sa mga ito ang baraha at pusta na nasa P1,535.

Ayon sa pulisya, laganap ang pagsusugal sa nasabing barangay ngunit madalas ay hindi naaresto ang mga indibidwal na sangkot sa pagsusugal dahil agad na nalalaman ang pagdating ng mga pulis.

Nasa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments