π— π—šπ—” π—‘π—”π—š π—™π—œπ—Ÿπ—˜ π—‘π—š π—¦π—’π—–π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—§π—”π—§π—”π—£π—’π—¦ 𝗑𝗔 π—•π—¦π—žπ—˜, 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 π—”π—‘π—š π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—–

Inihayag ngayon ng Commission on Elections o COMELEC Pangasinan na madami pa din sa mga kumandidato sa katatapos na BSKE sa lalawigan ang hindi nakapag pasa ng kanilang mga Statement of Contribution and Expenditure o SOCE.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, sa mga nagsipag panalo ay halos kumpleto na ito subalit ang problema aniya ay malaki pang porsiyento sa mga natalo ang walang SOCE.
Ayon sa opisyal hanggang ngayong araw na lang ang deadline ng pagpapasa ng SOCE ng mga kumandidato at ito ay isang responsibilidad nila.

Sakaling napatunayan na may mga naging paglabag sa mga nag file ng SOCE ay posibleng makasuhan ang sinumang kumandidato ng kasong overspending.
Samantala sa pangkalahatan ay naging matagumpay naman aniya ang natapos na BSKE bagamat may mga ilang mga insidente na sinasabing may kinalaman sa katatapos na halalang pambaranggay. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments