𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘 𝗘𝗡𝗧𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗔𝗗𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Hindi na papayagang pumasada ang mga mananatiling PUV Single Entity o mga operators na walang kinabibilangang consolidation franchise o kooperatiba pagkatapos ng deadline ng PUV Units Consolidation sa darating na December 31 ngayong taon.
Ito ay partikular para sa mga operators na mayroong existing cooperatives na sa kanilang ruta bagamat mas piniling hindi magpaconsolidate, dagdag pa na sila ay magiging colorum umano.
Para naman sa mga operators na hindi pa kasali sa mga kooperatiba dahil wala ni isang consolidation franshise sa kanilang pinapasadahang bahagi ay maaari pa rin silang payagan kahit pagkatapos umano ang deadline basta makapagfile ang mga ito ng inclusion petition sa mga nais nilang masamahang cooperatives.

Nilinaw ng pamunuan ng LTFRB na hindi ibig sabihin ang PUV Consolidation na deadline ay ang katumbas na kinababahalang ‘Jeepney Phaseout’ sa mga traditional jeepneys.
Importante raw sa ngayon ay ang pagcoconsolidate ng mga ito upang kahit pa hindi inupgrade ang minamanehong pampublikong sasakyan ay papayagan pa rin ang mga ito na pumasada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments