Maaari nang mag-apply ng permit ang mga negosyanteng nagnanais magbenta ng paputok sa Calasiao.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Calasiao, nagsimula nang tumanggap ang mga ito ng aplikasyon sa mga negosyante. upang maging lehitimo ang mga ito sa pagbebenta ng paputok.
Naglatag rin ng mga precautionary measures ang ahensya sa kanilang gagawing pwesto o tindahan.
Nakapagtala na ng anim na aplikasyon ang BFP Calasiao para sa kaukulang permit ng mga negosyante.
Papayagan ng anim na araw lamang ang bentahan ng paputok sa bayan ayon sa tanggapan.
Panawagan ng awtoridad na huwag magbenta at gumamit ng ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon bagkus ay gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments