𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗟𝗨𝗚𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢

Nalulugi na ang mga negosyante ng itlog sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay matapos bumagsak sa tatlong piso ang presyo ng ilang mga itlog sa mga pamilihan sa lalawigan.

Ayon sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr Rosendo So, oversupply ng itlog ang nakikitang dahilan ng pagbaba ng presyo ng itlog.

Naapektuhan din, aniya, ang paglaki ng mga itlog dahil sa mainit na panahon na dahilan upang bumaba ng gusto ang mga ito.

Hindi, aniya, nila inaasahan na bababa ng ganito ang presyo ng itlog sa merkado at patuloy na umaaray ang mga nagnenegosyo nito lalo na ng mga backyard farmers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments