𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗧𝗜 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗟𝗔𝗪𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Binalaan ng Department of Trade Industry (DTI) Pangasinan ang mga business establishments sa lalawigan na lumalabag sa DTI Fair Trade Laws.

Sa isinagawang monitoring at enforcement operation ng ahensya sa mga bayan nasa dalawampu’t-pitong mga negosyo mula sa Villasis, Urdaneta City, Mangaldan at San Fabian ang ininspeksyon upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga panuntunan sa ilalim ng Fair Trade Laws.

Isa mula sa mga ito ang nakitaan ng paglabag at inisyuhan na ng Notice of Violation (NOV). Tiniyak naman ng DTI Pangasinan na patuloy ang isasagawang monitoring sa mga establisyimento upang maisulong ang consumer protection at welfare. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments