Nararanasan na ang pagdami ng pasyente sa mga ospital sa lungsod ng Dagupan ayon kay Dagupan City Councilor Michael Fernandez.
Aniya, punuan na sa Region 1 Medical Center kung saan ang ilang pasyente ay nasa lobby maging sa parking lot na umano ng ospital.
Marami rin umano sa mga residenteng Nanay ang pumupunta pa sa kalapit na lungsod gaya ng San Carlos City para lamang makapanganak habang ang iba naman ay naabot na sa kabahayan nila na siyang delikado para sa isang buntis.
Dahil dito, patuloy na isinusulong ng minorya ng Sangguniang Panlungsod ang pag apruba sa pagpasa ng naturang ordinansa na kabilang ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital upang mabigyan ng solusyon ang nararanasang pagdami ng pasyente lalo sa mga nanay, buntis, at mga bata.
Hindi pa rin nawawalan ng pagasa ang naturang opisyal na maipapasa ito sa lalong madaling panahon upang hindi masyang ang pondo na inilaan ng DOH para rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨