Bagamat sa susunod na taon pa ang itinalagang Campaign period ng Commission on Elections para sa mga kandidato sa 2025 Midterm Elections, kaniya-kaniyang ng pakulo o stratehiya ang ilang personalidad upang ipakilala ang kanilang sarili sa publiko.
Ayon kay COMELEC Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, tali ang kamay ng tanggapan sa mga pakulo ng mga kandidato tuwing may okasyon tulad ng mga naglipanang tarpaulin at libreng serbisyo sa publiko.
Nakasaad sa batas aniya na mabibilang lamang sa mga ipinagbabawal ang ginagawa ng Isang kandidato kung labas ito sa rules and regulations na itinakda ng COMELEC kapag nagsimula na ang campaign period.
Sa magaganap na halalan sa 2025, magsisimula ang campaign period para sa national elections sa February 11 habang March 28 naman sa local positions at magtatagal hanggang May 10.
Kaugnay nito, nilinaw ng opisyal na wala nang premature campaigning ang nagaganap sa bansa dahil klaro ang inilagak na rules ang regulations na nakapaloob sa batas tungkol dito. |πππ’π£ππ¬π¨