Patuloy na hinihikayat ng provincial government at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga Pangasinense na gamitin ang programang Konsulta.
Ayon kay Governor Ramon Guico III, nararapat lamang na mapakinabangan ng mga Pangasinense ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng pagpapacheck-up.
Ang ilang residente ay hindi makapagpacheck up kahit libre pa ang pagpapa check up dahil sa kawalan ng pamasahe upang makapunta sa accredited facilities.
Panghihikayat ng Provincial Government, ang unified incentives sa medikal na konsultasyon kung saan sasagutin nila ang pamasahe ng mga mag-aavail ng konsulta program.
Sa ngayon, isa-isang binibisita ng mga patient navigator ang mga barangay sa lalawigan upang ma-irehistro ang target na indibidwal nang mapakinabangan ng mga ito ang programa.
Nasa dalawang milyong Pangasinense ang target ng provincial government ng Pangasinan na ma-irehistro sa Philhealth Konsulta Program para mabigyan ng serbisyong pangkalusugan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨