Ibinahagi ng Pangasinan PDRRMO ang ilang paraan upang makaiwas sa karamdaman na hypertension ang bawat indibidwal kasabay ng Hypertension Awareness Month ngayong Mayo.
Ayon sa tanggapan, bawasan ang pagkain ng maalat, matamis at mamantika. Mahalaga rin ang pagkain ng prutas at gulay. Bukod pa sa pagiging aktibo, hangga’t maaari ay huwag manigarilyo at iwasan ang pag-inom ng alak.
Dagdag ng tanggapan ang kahalagahan ng palagiang pagtingin sa blood pressure ng isang tao maging ang pagpapakonsulta kapag may kakaibang nararamdaman.
Kaugnay nito, idineklara ng Department of Health ang buwan ng Mayo bilang Hypertension Awareness Month kaisa ang Philippine Council for Health Research and Development upang maiwasan at makontrol ang naturang sakit bilang ito ay isa sa tinukoy na nangungunang risk factor sa mga cardiovascular complications. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨