Ramdam na sa mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan ang dagsa ng mga pasaherong babyahe pauwi sa pagdaraos ng Undas ngayong taon.
Ilang mga konduktor na nakapanayam ng IFM News Dagupan, umpisang dinagsa ang mga terminals kahapon, October 30, para sa mga ayaw nang makipagsabayan sa inaasahang bulto ng byahero, isa o dalawang araw bago ang Undas.
Inaasahan din ng mga ito ngayong araw ang magiging peak ng biyahe na hahabol sa pag-uwi.
Samantala, tiniyak ng mga bus companies na nasa kondisyon ang mga bumabyaheng pampasaherong bus at mayroong sapat na bus upang matugunan ang dami ng pasahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments